Connect with us

Aklan News

TAMANG ‘POSTING’ NG MGA KAP MEMBER, SOLUSYON PARA SA MAAYOS NA DALOY NG TRAPIKO SA KALIBO – EX-OFFICIO MEMBER

Published

on

Photo| Kalibo Auxiliary Police FB page

Ipinahayag ni Pook Punong Barangay at Liga ng mga Barangay President Ronald Marte na kailangan ng tamang pagpo-posisyon sa mga Kalibo Auxillary Police (KAP) member upang matugunan ang problema sa magulong daloy ng trapiko sa Kalibo.

“…dapat abi karon hay i-monitor it husto nanda, dapat hay i-posting it mayad ro mga KAP”, ani Marte.

Ayon pa kay Marte, hindi siya naniniwala na kulang sa miyembro ang Kalibo Auxillary Police.

Aniya, mali lang umano ang pagtalaga sa mga puwesto ng KAP kaya kung minsan ay may nakikita siyang mga nag-uumpakan sa isang lugar at nagkukuwentuhan lamang.

Pahayag pa ni Marte na puwede na ang tig-dalawa lamang sa isang lugar kaysa tig-apat na miyembro ng KAP.

Dadag pa nito na aanhin umano ang maraming tao kung hindi rin naman nito ginagawa ang kanilang trabaho.

Samantala, sinabi rin ni Marte na nais niyang maimbitahan sakaling magkaroon ng pagpupulong ukol dito ang responsableng tanggapan at ang munisipyo upang maipahayag at mapaliwanag niya ang kanyang mga problemang nakikita at naobserbahan.