Connect with us

Aklan News

Tangkang pagkidnap sa 2 bata sa Banga, walang katotohanan  – Banga PNP

Published

on

NILINAW ng Banga PNP na walang katotohanan ang balita na may puting van na nagtangkang mangidnap ng dalawang bata sa bayan ng Banga nitong nakaraang Linggo.

Sa panayam ng Radyo Todo Aklan sa Banga PNP, personal na tumungo sa kanilang istasyon ang isang driver ng van na residente ng Brgy. Manggan, Banga para linawin ang nangyari.

Inamin nito na siya ang nagmamaneho ng van na sinumbong ng 2 bata.

Ayon sa otoridad, walang katotohan ang mga paratang na pinilit silang pasakayin at may dalawang batang naka-tape pa ang bibig sa loob ng sasakyan.

Salaysay umano ng driver, mula siya sa paaralan para sunduin ang kanyang dalawang anak gamit ang puting van.

Pagdating sa may Pagsanghan, doon nila nakita ang dalawang bata na nais lang sana nilang pasabayin ngunit kumaripas ng takbo.

Matatandaan na nitong nakaraang Linggo, nagsumbong ang dalawang babaeng menor de edad na tinangka umano silang pasakayin sa puting van.

Ayon naman sa Banga PNP, posible umanong bunga lang ito ng mga kwentong naririnig nila tungkol sa mga puting van na nangunguha ng bata.