Connect with us

Aklan News

Tanod na dating drug surrenderee, arestado sa drug buy-bust sa Kalibo

Published

on

ARESTADO sa isinagawang drug buy-bust operation ng Kalibo PNP ang isang lalaki sa Pastrana Street, Poblacion, Kalibo bandang alas-3:50 ng madaling araw nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Arnel Olaguer, 42-anyos na residente ng Brgy. Old Buswang sa kaparehong bayan at aktibong tanod ng nasabing barangay.

Nabilha si Olaguer ng 2 sachet ng shabu kapalit ng P4,000 na buy-bust money.

Narekober din ang dagdag pang 9 na sachet ng ilegal na droga sa bulsa ng suspek.

Aminado naman ito na gumagamit siya ng droga at nagsurrender na noon sa kampaya kontra ilegal na droga sa administrasyong Duterte.

Ngunit itinanggi naman ni Olaguer na kaniya ang mga nahuling shabu sa nasabing operasyon.

Tinatayang nagkakahalaga naman ng nasa P15,000 ang mga nahuling shabu sa suspek.

Ayon naman kay PMaj.Frensy Andrade, Hepe ng Kalibo PNP, isa umanong High Value Target si Olaguer dahil ang pagiging tanod ng barangay ay otomatikong empleyado ng Gobyerno.

Sa ngayon ay nahaharap si Olaguer sa kasong paglabag sa RA. 9165 o ComprehensiveDangerous Drugs Act of 2002.