Connect with us

Aklan News

Tatay na nag-order online ng pangregalo sa birthday ng kanyang anak, na-scam

Published

on

Napalitan ng panghihinayang ang excitement ng isang ama matapos nitong makatanggap ng microphone stand sa halip ng smart tablet na kanyang inorder online.

Ayon sa ulat, ireregalo sana ito ng 47-anyos na tatay sa kaarawan ng kanyang anak.

Sinasabing, nakita nito ang smart tablet sa isang Facebook page na ibinebenta sa halagang mahigit P1,000 kaya siya napa-order.

Ngunit, pagdating ng delivery, hindi niya inaasahan na sa pagbukas niya ng kanyang parcel ay microphone stand ang kanyang matatanggap at hindi tablet.

Dahil dito, labis na nanghinayang ang ama at minabuting iparecord nalang ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station.