Connect with us

Aklan News

TATLO, ARESTADO DAHIL SA ILEGAL NA SABONG

Published

on

Illegal na Sabong

Ibajay – Sasampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa PD 449 o Illegal Cockfighting Law ang tatlong naaresto mag-aalas 5:00 ng Sabado ng hapon dahil sa ilegal na sabong sa Barangay Unat, Ibajay.

Sa isinagawang joint Anti-Illegal Gambling Operation ng Ibajay PNP at Provincial Intelligence Unit, naaresto ang mga suspek na sina Eryll John Javier, 20 anyos ng Laguinbanwa, Ibajay, Erwin Magtanom, 43 ng Bagacay, Ibajay, at Benidict Lachica, 22 anyos ng naunang nabanggit na lugar.

Kasunod nito, narekober 6 na manok panabong, at kanilang mga tari, at kabuuang P610.00 na pera.

Kaagad naman silang ikinustodiya sa Ibajay PNP Station para sa karampatang disposisyon.