Connect with us

Aklan News

Tatlong magkainuman nakuryente, isa patay

Published

on

Patay ang isa sa tatlong magkainuman matapos makuryente kahapon ng tanghali sa Brgy. Mabilo, Kalibo.

Kinilala ang mga biktimang sina John Malic, 53 ng Brgy. Caano; Arnold Barrera, 31 at Rodolfo Santander, 41, kapwa mga residente ng Brgy. Mabilo, Kalibo.

Kwento ni Rodolfo Santander, papunta sana sila sa kanilang bahay nang mangyari ang trahedya matapos niyang isabit ang kanyang hinubad na tshirt sa kanyang balikat at naabot ang live wire na nakakonekta sa poste at kanilang bahay.

Dali-dali namang kumuha ng kahoy si John Malic para matanggal ang kuryente pero pumulupot sa kanya ang wire.

Samantala ang isa pa nilang kasamang si Barrera ay tumilapon matapos hawakan si Malic.

Dinala ang tatlo sa ospital pero di na umabot ng buhay si Malic sa pagamutan.

Agad namang nakalabas ng ospital sina Santander at Barrera at patuloy na nagpapagaling.