Connect with us

Aklan News

Tatlong magkakatabing bahay sa Bliss Site, Kalibo nilamon ng apoy, mahigit P600k tinatayang halaga ng danyos

Published

on

Nilamon ng apoy ang tatlong magkakatabing bahay sa Bliss Site, Pob. Kalibo dakong alas-11:00 ng tanghali nitong Lunes.

Kinilala ang may-ari ng tatlong bahay na sina Marites Apolonio, Charlie Bartolome at Amelita Ambubuyog.

Napag-alaman na magkakapamilya rin ang nabiktima ng nasabing sunog.

Ayon kay FO2 Baldomero Imperial ng BFP Kalibo, nag-umpisa ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Apolonio kung saan ay nakarinig sila ng isang putok roon at ng tignan ay umaapoy na ito.

Dali-dali namang humingi ng saklolo ang mga naninirahan dito ngunit mabilis na kumalat ang apoy at tumawid agad sa ikalawang palapag rin ng katabing bahay na pagmamayri ni Bartolome.

Agad din umanong nagresponde ang BFP sa lugar ngunit pagdating, ay tupok na ang ikalawang palapag ng dalawang bahay at patuloy parin ang pagkalat ng apoy na nakarating na isa pang  bahay na pagmamay-ari naman ni Ambubuyog.

Halos isang oras at kalahati din ang itinagal bago tuluyang napatay ang apoy

Partially damaged ang tatlong bahay kung saan nasimot ang ikalawang palapag ng dalawa sa mga ito habang ang ikatlong bahay na nadamay ay bahagya lamang ang tinamong pinsala.

Wala naman umanong nasugatan sa nangyari.

Aabot sa P648, 400 ang tinatayang halaga ng kabuuang danyos sa nasabing sunog.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng BFP Kalibo para matukoy ang pinagmulan ng apoy.