Aklan News
TATLONG MENOR DE EDAD, SUGATAN MATAPOS SUMALPOK SA POSTE ANG SINASAKYANG MOTORSIKLO


Altavas – Sugatan ang tatlong menor de edad matapos maaksidente ang sinasakyang motorsiklo alas 11:45 kaninang tanghali sa Cabugao, Altavas.
Bagama’t hindi na pinangalanan, nabatid na edad 17 anyos, 13 anyos, at 15 anyos lamang ang edad ng mga biktima, lahat residente ng Cabugao, Batan.
Nabatid sa imbistigasyon ng Altavas PNP na pauwi na ang tatlo sa Cabugao, Batan subalit nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang 17 anyos na driver, pagdating sa kurbadang kalsada doon.
Sinasabing mabilis din umano ang pagpapatakobo nito ng motorsiklo, kung kaya’t deretsong bumangga at literal na sumiksik sa gitna ng dalawang poste.
Kaagad naman silang dinala ng mga rescuer sa Altavas Hospital, sanhi ng mga sugat at pinsalang tinamo sa kani-kanilang katawan.