Connect with us

Aklan News

Tattoo artist at kasama nito arestado sa buybust ops sa Boracay Island

Published

on

Arestado ang isang tattoo artist at kasama nito sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa isla ng Boracay umaga nitong Biyernes.

Kinilala ni PLt. Condrado Espino ng Malay PNP ang mga suspetsado na sina Thomas Montecarlo, 25-anyos ng Libertad, Antique at Dan Angelo Santos, 39-anyos ng Marikina.

Ayon pa kay Espino, si Montecarlo ang kanilang target kung saan halos dalawang linggo na nila itong minamanmanan.

Ngunit nang isinagawa na nila ang operasyon ay dalawa na silang magkasama.

“Iyong background po ng ating target ay si certain JM Thomas Porex, yun ang pagkakakilala namin sa kanya.Minanmanan namin siya more or less two weeks. Isa itong tattoo artist at nabilhan siya ng ating mga asset. Kaya lang noong nagconduct tayo ng buy bust operation, dalawa na silang magkasama,” pahayag ni Espino.

Duda rin si Espino na baka inbolbado na rin sa iligal na aktibidad ang mga kasamahan nitong tattoo artist sa Boracay.

Nabilhan si Montecarlo ng isang sachet ng shabu kapalit ng isanlibong pisong.
Narekober naman sa kanyang posisyon ang dalawa pang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang body seach.

Samantala, nakuhaan din ng dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang plastic sachet ng dried marijuana at wooden pipe na may lamang dried marijuana si Santos.

Sa ekslusibong panayam ng Radyo Todo kay Santos, inamin nito na siya ay gumagamit ng marijuana.

Aniya, pagkatapos ng kanyang trabaho ay gumagamit siya nito upang makatulog mai-relax ang kanyang katawan at utak.

“Opo, pagkatapos po ng trabaho para makatulog ng maayos. Para marelax yung katawan at utak,” saad nito.

Wala naman daw itong masamang epekto sa kanya at matagal na siyang gumagamit nito.

Dahil dito, mahaharap si Santos at Montecarlo sa kasong paglabag sa