Connect with us

Aklan News

TATTOO ARTIST, TIMBOG SA BUY BUST

Published

on

Boracay Island – Arestado sa isinagawang buy bust operation ng Malay PNP ang isang tattoo artist dakong 6:30 kaninang umaga sa Brgy. Manocmanoc, Boracay Island, Malay.

Nakilala ang naaresto na si Renato Banania, 34 anyos ng Muntinlupa City at pansamantalang nangungupahan sa Sitio Ambulong, Manocmanoc, Boracay.

Inaresto ang suspek matapos mabilhan ng 2 plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng P1100 buybust money.

Nakuha pa sa posisyon nito ang 4 na karagdagang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Ayon kay P/Capt. Dexter Brigido, Chief ng Intelligence Unit, matagal na nilang minamanmanan ang suspek simula pa noong nagtatrabaho ito bilang tour guide at tattoo artist noong bukas pa ang Boracay sa mga turista.

Ayon naman sa suspek, taong 2014 lamang siya nakalaya matapos makulong sa kasong Robbery sa Metro Manila.

Mahaharap siya sa kasong pg labag sa Sec. 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.