Connect with us

Aklan News

TEMPORARY PARKING AREA PARA SA MGA MAMIMILI NG KALIBO PUBLIC MARKET, PAG-AARALAN NG LOKAL NG PAMAHALAAN

Published

on

KAWALAN NG PARKING AREA SA KALIBO PUBLIC MARKET, MALAKING DAGOK PARA SA MGA NEGOSYANTE

Pag-aaralan pa ng lokal na pamahalaan ng Kalibo kung saan nila ilalagay ang temporaryong parking area para sa mga mamimili ng Kalibo Public Market.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Mayor Emerson Lachica, sinabi nito na mayroon sanang maayos na parking area kung natuloy ang pagpapagawa ng modernong Kalibo Public Market.

Aniya, isa ang parking area sa mga nais nilang maisa-ayos kaya nais nilang matuloy sana ang pagpapagawa nito.

Ngunit dahil sa mga humahadlang, nakabinbin parin hanggang sa ngayon ang nasabing proyekto.

Kaugnay nito, sinabi ng alkalde na maaari muna nilang magamit bilang temporaryong parking area ang bahagi ng Toting Reyes Street extension malapit sa tanggapan ng DPWH.

Samantala ang bahagi ng Roxas Avenue Extension sa tapat ng dating St. Jude Chapel at ang bakanteng lote sa gilid ng Ang Pue Hardware and Lumber sa Toting Reyes Street ay tinitingnan din nilang kung maaaring maging parking area.

Magugunitang, nagpa-abot ng hinaing ang mga negosyante ng Kalibo Public Market sa pamamagitan ng kanilang president na si Arnel Meren na malaking dagok para sa kanilang ang kawalan ng parking area ng merkado publiko.

Pahayag ni Meren kaunti na lamang ang bumibili at pumapasok sa loob ng kalibo public market dahil sa kakulangan ng parking area ang mga mamimiling may dalang pribadong sasakyan.

Dagdag pa ni Meren lubos na naapektuhan ang kanilang kita lalo na ngayong holiday season.