Aklan News
“Tinda Turismo” ng Aklan Provincial Tourism Office, umarangkada na
Nagbukas na kahapon, Setyembre a-16 ang “Tinda Turismo” sa pangunguna ng Aklan Provincial Tourism Office.
Naging matagumpay ang unang araw ng “Tinda Turismo” sa CityMall Kalibo na nilahukan ng 15 micro, small at medium enterprises na pagmamay-ari ng mga Aklanong negosyante.
Ang “Tinda Turismo” ay may tema ngayong “Rethinking Tourism” kung saan magtatapos ito sa Setyembre a-22.
Isa rin ito sa mga itinuturing na highlight activities ng Aklan Tourism Month.
Layunin ng nasabing aktibidad na mabigyan ng inspirasyon ang mga maliit o mga nag-uumpisa pa lamang na mga negosyanteng Aklanon na ipagpatuloy ang kanilang naumpisahan na mga negosyo lalo na ang may mga kaugnayan sa agrikultura at turismo.
Continue Reading