Connect with us

Aklan News

Tindahan sa Bakhaw Sur, pinasok ng kawatan; higit-kumulang P70K halaga ng mga natangay

Published

on

Tinatayang nasa P70,000 ng kabuuang halaga ng pera, cellphone at sigarilyo ang nakuha ng hindi pa nakikilalang kawatan mula sa isang tindahan sa Brgy. Bachao Sur, Kalibo nitong Miyerkules.

Ayon sa may-ari na si Shirley Natabio, 65-anyos, nagising nalang umano ang asawa nito na bukas na ang pinto ng kanilang tindahan.

Napag-alaman na nandoon din ang kwarto ng mag-asawa sa likuran na bahagi ng tindahan.

Dagdag pa ni Natabio, wala silang narinig na kahit anong ingay kagabi maging kaninang madaling-araw.

Katunayan aniya, nakalagay pa sa kanilang paanan ang bag nito na nakuhaan ng pera.

Natangay rin ang mga pera na nakalagay sa kaha, isang cellphone at halos 7 rim ng mga sigarilyo.

Hinala naman ng mga otoridad na stainless na stick ang ginamit ng kawatan para mabuksan ang kahoy na lock ng pinto.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo Pnp kaugnay sa nangyari.