Aklan News
Tindera ng isda ninakawan sa loob ng Kalibo Public Market; mahigit P20K na cash at tatlong cellphone, natangay
Mahigit P20,000 na pera at tatlong cellphone ang natangay sa isang tindera ng isda sa Kalibo Public Market matapos manakaw ang kanyang bag nitong Setyembre a-30.
Sa panayam ng Radyo Todo sa biktima na si Nora Cuales Nenolia, posible umanong sindikato ang nasa likod ng pagnanakaw.
Aniya pa, nilito siya ng mga suspek habang abala siya sa paghihiwa at pagtitinda ng panindang isda.
“Gakiwa abi ako sir it isda, ang akon bag ginbutang ko sa balde nga gaatubang man kakon. Siguro may galito-lito kakon, wala ako nakatutok iya sa akon ginakiwaan ag may nagbakae man abi sir iya sa ang likod it bangus nga ginbayaran ag owa man ginbaliki. Ag iya man sa pihak nakon, nagbakae man it bantaea-an, ginbayaran man ag owa pagbue-a ro sinsilyo,” salaysay ng biktima.
Saad pa nito na hindi niya inaasahang sa tagal na niyang tindera sa loob ng merkado publiko ay mananakawan pa siya.
“Pilang anyos eon ako iya sa public marklet imaw paeang ra natabo sir.”
Samantala, nananawagan naman si Ginang Nenolia na kung maaari ay maibalik ang kanyang cellphone dahil nandoon ang mga contacts para sa kanyang negosyong isda.
“Ang ginapanawagan malang sir, bisan ihaboy lang nanda akon nga bag. Ro akon nga ginakwan sir hay ro akon nga contact sa Boracay sa pusit sa isda.”
Kaugnay nito, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Kalibo PNP sa nangyaring nakawan sa loob mismo ng merkado publiko.|SM