Connect with us

Aklan News

Tindero, hinamon ng suntukan ang isang traffic enforcer

Published

on

Hinamon ng suntukan ng isang tindero ang traffic enforcer sa Kalibo Public Market nitong Martes ng hapon.
Ang hindi na pinangalanang tindero ay 21-anyos at residente ng Brgy Ortega, Libacao habang ang enforcer naman ay 32-anyos at residente ng Old Buswang, Kalibo.
Ayon sa nasabing enforcer, pinapahubad ng tindero ang uniporme nito at hinamon ng suntukan, sabay sabi ng mga katagang, “ako tistingi nga maghueam itsura sa ayam.”
Pahayag naman ng tindero, binabastos umano ng enforcer ang babaeng barkada nito dahilan para siya ay magalit.
Rumesponde namann ang Kalibo PNP sa lugar kung saan kalaunan ay nagkaayos rin ang dalawa matapos na mag- usap at magkapatawaran. l Ulat ni Jisrel Nervar