Aklan News
Tiya, tinangkang tusukin ng bara ng kanyang lasing na pamangkin


TINANGKANG tusukin ng bara ng pamangkin ang kanyang tiya sa Purok 4, C. Laserna St. Poblacion, Kalibo nitong gabi ng Miyerkules, Hunyo 11.
Ang suspek ay kinilala na si alyas “Bert” nasa tamang edad at residente ng nasabing lugar.
Ayon sa biktima, nagsisisigaw ang lasing na pamangkin nito sa labas ng kanilang bahay at pinagsisira ang kanilang bakod.
Hinahanap umano nito ang kanyang tiyo ngunit wala ito at napag-alamang may dati rin silang alitan.
Dito na kumuha ng bara ang suspek at tinusok sa biktima na mabuti na lang at hindi ito tinamaan.
Dahil sa takot, agad tumawag ng pulis ang biktima na agad naman itong nirespondehan ng Kalibo PNP.
Kalaunan ay ni-refer ang insidente sa Barangay Justice System para sa karampatang disposisyon. | Ulat ni Jisrel Nervar