Connect with us

Aklan News

Tiyuhin hinampas ng bote sa ulo ng sariling pamangkin

Published

on

Kinailangan dalhin sa ospital ang isang lalaki matapos hampasin ng bote sa ulo ng kaniyang sariling pamangkin dakong alas-8:00 kagabi sa Brgy. Bakhaw Norte, Kalibo.

Napag-alaman na 56-anyos ang tiyuhin na si alyas “Bern” habang kinilala naman ang pamangkin na si “Mac”, nasa legal na edad at parehong mga residente ng naturang lugar.

Sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nakikipag-inuman umano ang dalawa sa kanilang kapitbahay kasama ang iba pa nilang mga kapamilya nang biglang sinabihan ni Mac ang kaniyang tiyuhin ng “ing nubyo sing unga ngaron hay druglord man dun.”

Dahil dito, nagsagutan ang dalawa hanggang sa kumuha ng bote si Mac at hinampas sa ulo ni Bern.

Inawat naman ng mga tao ang dalawa hanggang sa dumating ang mga kapulisan.

Dinala sa ospital ng biktima habang pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo Mps ang kanyang pamangkin.

Samantala, ini-refer din ang kaso sa Baranggay Justice System para sa karampatang disposisyon.