Connect with us

Aklan News

Tiyuhin, nabaril ng pamangkin sa Libacao; kasong frustrated homicide, isinampa laban sa suspek

Published

on

Sinampahan na ng kasong Frustrated Homicide ang 21-anyos na suspek matapos umano’y nabaril ang sarili nitong tiyuhin sa Barangay Rosal, Libacao.
‎Ang suspek na hindi na pinangalanan ng pulisya ay kinilalang alyas “Louie,” 21-anyos habang ang biktima ay si alyas “Remy”, 44-anyos, parehong residente ng naturang barangay.
‎Sa imbestigasyon ng Libacao MPS, bandang alas-4 ng hapon ng Biyernes, Abril 11, nang pumunta ang biktima sa bahay ng suspek para kumprontahin tungkol sa nawawala nitong alagang “native” na manok.
‎Sa paglabas umano ni alyas “Louie”, walang anu-ano’y bigla itong binaril sa kanang braso na dumiresto sa kanang ibabang bahagi ng tiyan.
‎Pagkatapos ng insidente, umano’y biglang tumakas si alyas “Louie” sa lugar.
‎Samantala, agad namang sinugod ang biktima sa Libacao Infirmary at ini-refer sa isang hospital sa bayan ng Kalibo.
‎Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Libacao Municipal Police Station ang suspek para sa karampatang disposisyon. | Ulat ni Arvin Rompe