Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted person na may kasong 3 counts of rape, timbog

Published

on

Photo Courtesy| Altavas Municipal Police Station

Nalambat ng mga kapulisan ang top 1 most wanted person na nahaharap sa kasong 3 counts of rape sa bayan ng Altavas.

Kinilala ang akusadong si Dante Gerona, 49 anyos, residente ng Brgy. Talon, Altavas.

Naaresto si Gerona sa joint manhunt operation ng Altavas MPS, RIU PIT Aklan, PIU, PIDMU at 1st Aklan PMFC nitong hapon ng Miyerkoles.

Si Gerona ay may standing warrant of arrest na inisyu ni Hon. Bienvenido P. Barrios Jr., Presiding Judge of RTC 3 – Kalibo, Aklan.

Walang piyangsang itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Pansamantalang nakapiit sa Altavas lock-up cell at nakatakdang iturn-over sa korte.

Sinabi ni PLt. Ryan Batadlan ng Altavas PNP na, “This only shows that the Altavas PNP is committed in its fight against wanted persons and all forms of lawlessness in the area.”