Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted person na may kasong rape, timbog

Published

on

NALAMBAT ng mga kapulisan ang Top 1 most wanted person na may kasong rape sa bayan ng Nabas.

Kinilala ni Police Corporal Edralyn Abiera ng Nabas PNP ang akusado na si Daren Palomata, 24 anyos, residente na Barangay Unidos, Nabas.

Naaresto si Palomata sa Barangay Toledo, Nabas ng pinagsanib na puwersa ng Nabas PNP at 2nd Provincial Mobile Force Company nitong Agosto a-24.

Si Palomata ay may warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Bienvenido P. Barrios Jr., RTC, 6th Judicial Region, Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang August 23, 2022.

Samantala, walang piyansang itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay pansamantalang nakapiit sa Nabas lock-up cell ang akusado at nakatakdang iturn-over sa korte para sa karampatang disposisyon.