Connect with us

Aklan News

Top 1 most wanted sa Aklan, napasakamay ng Malinao PNP

Published

on

Nahulog sa kamay ng mga kapulisan ang ikinukunsiderang top 1 most wanted person sa Aklan.

Naaresto ang akusado sa manhunt operation kaninang umaga sa Caticlan.

Hindi na pinangalanan ng Malinao PNP ang akusado na may kasong Statutory rape sa ilalim ng Article 266-A ng Revise Penal Code as amended by RA 8353 na may Criminal Case # 16339 na inisyu ni Hon. Bienvenido P. Barrios, Jr., ang Presiding Judge Regional Trial Court – Branch 3, Kalibo, Aklan na may petsang August 8, 2022.

Dinala sa DRSTMH (Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital) ang suspek para sa medical check-up at ikinustodiya pansamantala sa Malinao PNP.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.