Connect with us

Aklan News

Top 2 most wanted person sa provincial level, arestado na

Published

on

NAPASAKAMAY na ng mga operatiba ng Banga Municipal Police Station ang ikalawang most wanted person sa Provincial Level nitong Lunes, Hunyo 2.

Kinilala ang suspek na si “Steve”, 33-anyos na lalaki at residente ng Barangay Jumarap, Banga, Aklan.

Naaresti si Steve sa bisa ng warrant of arrest sa ilalim ng Criminal Case No. 17812 para sa paglabag sa Section 2, Article 2 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Ang warrant ay inilabas ni Kgg. Arville Guyod Delgado, Acting Presiding Judge ng Branch 4, Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Kalibo, Aklan noong Mayo 28, 2025, na may inirekomendang piyansa na P200,000.

Ang operasyon ay isinagawa ng Banga MPS, Aklan PPO Tracker Team at RUI6 PIT Aklan.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Banga Municipal Police Station ang nasabing akusado na nakatakdang harapin sa korte para sa karampatang disposisyon. I Ulat ni Jisrel Nervar