Aklan News
Top 3 at Top 4 most wanted person sa Malay, Aklan naaresto ng mga kapulisan


Kulungan ang bagsak ng dalawang kabilang sa listahan ng most wanted persons sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Malay, Aklan.
Ayon sa Malay PNP, ang dalawang inaresto ay kapwa wanted sa kasong murder.
Unang inaresto ng mga kapulisan si alias ‘RJ,’ nitong Enero 16 sa Sitio Tabon Bukid, Brgy Caticlan na itinuturing na Top 3 Most Wanted Person.
Sunod namang nalambat ng mga otoridad si alias ‘Eljay,’ na tinagurian namang Top 4 Most Wanted Person sa nasabing bayan.
Inaresto ang dalawa sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na may Criminal Case Number 17062 na inisyu ni Hon. Bienvenido P Barrios Jr., Presiding Judge of Regional Trial Court Sixth Judicial Region Branch 3, Kalibo Aklan at may petsang Enero 15, 2024.
Wala namang piyansang inirekomenda ang korte para dito.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malay PNP ang mga inaresto para sa karamtang disposisyon.