Connect with us

Aklan News

Top 3 most wanted sa bayan ng Batan at top 4 sa Aklan, arestado sa Masbate

Published

on

Himas-rehas ang Top 3 most wanted sa bayan ng Batan at Top 4 most wanted sa lalawigan ng Aklan matapos malambat ng mga awtoridad sa Masbate.

Kinilala ng Batan PNP ang akusado na si Danilo Tuling, 33 at resident ng Barangay Lalab, Batan, Aklan.

Si Tuling ay naaresto sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Art 266-A ng Revised Penal Code na inisyu ni Hon. Bienvenido P Barrios Jr, Presiding Judge, RTC 6 Br 3 Kalibo, Aklan na may petsang September 6, 2020.

Wala namang piyansang itinakda ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng Dimasalang Municipal Police Station ang akusado para sa karampatang disposisyon./SM