Aklan News
Top 7 most wanted person sa Aklan na may kasong rape, arestado
NAPASAKAMAY na mga kapulisan ang itinuturing na Top 7 Most Wanted sa lalawigan ng Aklan nitong Setyembre a-17.
Kinilala ang suspek na si Eduard Jude Adiaton, 48, residente ng Barangay Cogon, Malinao.
Naaresto si Adiaton sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest sa kasong rape kung saan walang piyansa na itinakda ang korte.
Maliban sa kasong rape, nahaharap din ang suspek sa dalawang criminal case na parehong may tig-P200, 000 na piyansa.
Napag-alaman na mismong pamilya ni Adiaton ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi nito na handa niyang harapin ang mga kinakaharap na patong-patong na kaso, itinanggi rin nito na nagawa niya ang krimen.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Malinao PNP ang suspek para sa karampatang disposisyon.