Connect with us

Aklan News

TOP DOWN, NABANGGA NG TRUCK, DRIVER SUGATAN

Published

on

Photo screengrabbed from the FB Video of Helen Gabz Channel

Sugatan ang isang driver ng top down matapos na aksidenteng mabangga ng isang truck pasado alas-3:00 kaninang hapon sa bahagi ng ginagawang kalsada sa Sitio Kampitan, Aranas, Balete.

Nakilala ang biktimang rider na si Jeric Arsola, 30-anyos ng Angas, Batan, habang nakilala naman ang driver ng 10-wheeler truck na si Joselito Lorenzo, 47-anyos ng Canlubang, Laguna.

Base sa imbestigasyon ng Balete PNP, naka-full stop o nakahinto noon ang nasabing topdown kasama ang iba pang sasakyan na papunta sa direksyon ng Kalibo, habang hinihintay na mag ‘Go’ dahil ginagawa ang kabilang lane ng kalsada.
Nagkataong parating naman ang nasabing truck, at aksidente nitong nabangga ang top down.

Base pa rin sa imbestigasyon ng Balete PNP, hindi umano alam ng truck driver na ginagawa ang kalsada doon lalo na at 1st nitong dumaan dito.

Samantala, matapos mabangga ng truck, bumangga naman ang topdown sa isang SUV na nasa unahan nito, at doon na umano posibleng natusok ng bakal ang kanang paa ng biktima.

Kaagad naman itong dinala sa ospital, habang ikinostudiya rin ng Balete PNP ang driver ng truck para sa karampatang disposisyon.

Pinaalalahanan naman ng Balete PNP ang mga gumagawa sa kalsada na habaan pa ang distansya ng kanilang warning device  para makaiwas sa aksidente.

Continue Reading