Connect with us

Aklan News

Top Most Wanted Person arestado sa pagkuha ng police clearance sa Kalibo MPS

Published

on

Timbog ang isang lalaki matapos mabuking na wanted sa batas at may kinakaharap na kasong rape habang kumukuha ng police clearance sa tanggapan ng Kalibo Municipal Police Station nitong Setyembre a-1.

Ayon sa Kalibo PNP, habang pinoproseso ang aplikasyon nito para sa National Police Clearance ay lumabas sa database ng PNP National Police System na mayroon pala itong pending na warrant of arrest.

Napag-alaman na residente ito ng Jamindan, Capiz at may nakabinbing kasong Rape na may Criminal Case No. 161369.

Ang naturang warrant of arest ay inisyu ni Hon Joy Nierves Casihan-Dumlao, Presiding Judge, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 262, Pasig City.

Samantala, wala namang itinakdang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon ang naturang akusado ay pansamantalang nakapiit sa lock-up cell ng Kalibo MPS para sa karampatang disposisyon.