Connect with us

Aklan News

Topdown at kotse, muntikan nang magbanggaan; drayber ng topdown, nanutok ng patalim

Published

on

Tinutukan ng kutsilyo ng isang topdown driver ang mag-asawang sakay ng kotse dahil sa galit nang muntikan na silang magbanggaan sa kalsada nitong umaga ng Miyerkules sa Roxas Ave., Pob. Kalibo.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa isang paradahan ng isang bangko ang kotse na minamaneho ng isang senior citizen.

Sinasabing, nag-uturn ito sa lugar nang muntikan na nitong makabanggaan ang topdown.

Dahil dito, biglang bumaba ang driver ng topdown at kumuha ng kutsilyo tsaka itinutok sa mag-asawang sakay ng kotse.

Mabuti umano na sarado at nasa loob ang mag-asawa nang mangyari ang insidente.

Samantala, bumaba naman ang misis at kinompronta ang topdown driver tsaka humingi ng tulong sa Kalibo Auxiliary Police (KAP) ngunit humarurot din ito ng takbo palayo.

Sa ngayon ay minabuti ng mag-asawa na ipa-record ang nangyari sa Kalibo Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.