Connect with us

Aklan News

Tour coordinator tiklo sa buy bust operation sa isla ng Boracay

Published

on

TIMBOG sa isinagawang drug buy bust operation ng mga operatiba ang isang tour coordinator ng travel agency sa isla ng Boracay nitong Martes.

Kinilala ang suspek na si Ryan Dela Peña, 28, tubong Brgy. Igbong, Barotac Nuevo, Iloilo City at pansamantalang naninirahan sa Brgy. Balabag, Boracay.

Nakuha mula sa kanya ang isang sachet ng suspected shabu kapalit ng P30,100 na buybust money.

Samantala, dagdag pang anim na malalaking sachet na shabu ang narekober sa posisyon ng suspek.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na si Dela Peña ng Malay PNP at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.