Aklan News
Tourism sector, tututukan ng LGU Kalibo sa susunod na taon
Ipinasiguro ni Kalibo Mayor Juris Sucro na ipaprayoridad ng kanyang administrasyon ang sektor ng turismo.
Ayon sa alkalde, ang sektor ng turismo ang isa sa mga Key Investment Area na tututukan nito sa susunod na taon.
Ito ay dahil ang bayan ng Kalibo aniya ay kilala sa Ati-atihan Festival at malapit sa tanyag na Boracay Island.
Saad pa ni Mayor Sucro, sa pamamagitan ng ilalaang pondo ng LGU sa sektor ng turismo, matutulungan nitong umangat at mapalakas ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maraming trabaho at negosyo.
Nais rin ng alkalde na mapabuti ang sistema ng imprastruktura, ma-preseba ang kultura gayundin ang pagpapa-igting ng environmental protection at mapalakas ang pa ang real estate market.
Maliban dito, nais rin ng LGU na ipatupad ang mga hakbang upang mapangalagaan ang ating kalikasan, mapagtibay ang Law Enforcement, Proteksyon, pagkakaroon ng dekalidad ng edukasyon ang bawat kabataan at marami pang iba.