Connect with us

Aklan News

TOURIST ARRIVAL SA BORACAY ISLAND, PUMALO NA SA 15OK

Published

on

PUMALO na sa 150, 597 ang naitatalang tourist arrival sa Boracay Island para sa buwan ng Marso.

Ayon kay Malay Tourism Officer Felix Delos Santos ang nasabing bilang ay katumbas ng 70 percent tourist arrival.

Aniya, sa loob ng isang araw ay umaabot ng lima hanggang anim na libong turista ang nagtutungo sa Boracay.

Ikinatutuwa din aniya nila ang unti-unting pagdami ng nga turistang bumibisita sa isla pagkatapos padapain ng pandemya.

Dahil sa muling pagdami ng mga turista, ay muling makakabalik din sa kani-kanilang mga trabaho ang mga Boracay worker na natigil ang hanapbuhay dahil sa COVID-19 crisis.

Samantala sa ngayon ay mayroon ng 315 accredited hotels and resorts na may kabuuang 12,000 rooms na nag-ooperate sa isla ng Boracay.