Aklan News
TOURIST ARRIVAL SA BORACAY, unti-unti nang tumataas ngayong Disyembre
Unti-unti nang tumataas ang bilang ng mga turistang dumadayo sa Boracay pagpasok ng buwan ng Disyembre.
Simula Disyembre 1 hanggang 12, umabot na sa 3703 ang mga tourist arrivals batay sa pinakabagong tala ng Malay Municipal Tourism Office.
Nangunguna pa rin dito ang mga taga NCR na may kabuuang 2917 tourist arrivals o 78%, sinundan ito ng mga Aklanon tourist na may 704 o 19%, sunod ang Iloilo City na may 25, Iloilo Province 20, tig 10 sa Negros Accidental at Cebu, 8 sa Capiz, 4 sa Antique, 2 sa Bacolod at 1 sa Lanao Del Norte.
Kaugnay nito, ikinatuwa ng tourism office ang pag negatibo sa swab test ng anim na turistang gumamit ng pekeng RT-PCR test results ng COVID-19 para makapasok sa isla ng Boracay nito lamang December 5.
Maituturing na leksyon na umano sa lahat ng mga nais pumasok sa isla ang nangyari sa 6 na nabanggit para hindi na ito maulit.