Connect with us

Aklan News

TOURIST ARRIVAL SA ISLA NG BORACAY NITONG HOLY WEEK, PUMALO SA 100K

Published

on

PUMALO sa 100,945 ang bilang ng mga turistang nagbakasyon sa isla ng Boracay nitong Semana Santa.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Felix Delos Santos, hepe ng Malay Toursim Office ang nasabing bilang ay simula Abril a-1 hanggang a-17.

Mas mataas ito kung ikukumpara noong nagdaang taon sa kaparehong period dahil sa COVID-19 pandemic.

Aniya pa, pinakamarami ang bilang na kanilang naitala simula Abril 11-17 kung saan umabot sa 44,981 ang mga turista nagtungo sa Boracay upang doon magnilay-nilay.

Nanguna sa listahan ang NCR plus o Metro Manila sa may pinakamaraming bilang ng tourist arrival para sa domestic tourist.

Samantala, dumoble naman ang bilang ng mga turistang banyaga kung saan mula sa dating 80-100 tourist arrival per day ay umabot ito sa 200 o higit pang tourist arrival sa loob lamang ng isang araw.

Binigyaan-diin pa ni Delos Santos na mas maraming turista noong kasagsagan ng Huwebes Santo kung saan nakapagtala ang Malay Tourism Office ng 12,266 tourist arrival.

Sa kabila nito, naging malaking hamon naman para Malay Tourism Office ang transportasyon sa isla ng Boracay dahil sa pagdagsa ng mga turista.

Ngunit, nilinaw ni Delos Santos na kaagad naman nila itong na-aksyunan gayundin na pinag-uusapan na nila sa ngayon ang hinggil dito.