Connect with us

Aklan News

Tradisyunal na Ash Wednesday may pagbabago dahil sa Covid-19

Published

on

File Photo/Malbert Dalida/Radyo Todo

Kalibo, Aklan – Binago ng simbahang Katolika ang kinaugaliang pagpapahid ng abo sa noo sa paggunita ng Ash Wednesday ngayong araw.

Inihayag ni Bishop Jose Corazon Tala-oc na sa halip na ipahid sa noo ay ibinudbod na lamang ng pari ang abo sa bumbunan ng mga mananampalataya.

Ang pag-iwas sa paglalagay ng abo sa noo ay iminungkahi ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para maiwasan ang physical contact at ang pagkalat ng COVID-19.

Nilinaw ng obispo na bahagi na ng sinaunang tradisyon ng Simbahang Katolika ang istilo ng paglalagay ng abo sa noo.

Ang Ash Wednesday o Miyerkoles De Abo ay tanda ng pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.