Aklan News
TRAFFIC DISCIPLINE ZONE, INILUNSAD NGAYONG ARAW


Kalibo – Inilunsad na ngayong araw ang Traffic Discipline Zone na proyekto ng Aklan Police Provincial Office.
Layunin nito na mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga aksidente sa kalsada.
Base kasi sa tala ng APPO, umabot na sa 3,097 ang mga aksidente sa kalsada sa boung lalawigan mula 2017 hanggang October 2019.
Kadalasan umano na inbolbado sa mga aksidenteng ito ay mga motorsiklo.
Samantala, tinukoy naman ni Aklan PNP Provincial Director Police Col. Esmeraldo Osia ang mga traffic discipline zones mula sa 4 na bayan sa Aklan na madalas may aksidente sa kalsada.
Ito ay ang bayan ng Kalibo, mula Roxas Avenue papuntang Mabini St., hanggang D. Maagma St., Numancia, mula Numancia Integrated School papuntang Public market, New Washington, mula Brgy. Tambak papuntang Dumaguit at Banga, mula Rizal St. papuntang Public market at Aklan State University.
Sa Kalibo, sinimulan na kanina ng mga pulis ang pagsuyod sa kahabaan ng Roxas Avenue, Mabini St. at D.Maagma kung saan binalaan ang mga motorista na bawal ang magpark sa kahabaan ng mga nasabing lugar, maging sa mga sidewalk.
Ayon pa kay Osia, posibleng ipatupad narin ang traffic discipline zone sa ibang bayan sa lalawigan ng Aklan.
Katuwang ng kapulisan sa nasabing proyekto ang MEDIA, LTO, DEP-ED, DPWH, DILG, MADDRMO, at TODA o Tricycle Operators and Drivers Association.