Connect with us

Aklan News

TRAFFIC LIGHT VIOLATORS SA KALIBO, IIMBESTIGAHAN NG SANGUNIANG BAYAN; MGA TRAFFIC ENFORCER, KAILANGAN NG SEMINAR?

Published

on

Photo| Grab from Kalibo: Heart of The People (Short Film on Youtube

Nais talakayin ni Pook barangay captain at ABC President Ronald Marte sa session ng Sangguniang Bayan ang dumadaming violators sa traffic lights sa mga nangungunang kalsada sa bayan ng Kalibo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Marte, sinabi nito na nagsumite siya ng resolution na maimbitahan ang atensiyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Local Traffic Management Division ng Kalibo upang matalakay ang nasabing isyu kung saan marami sa mga tricycle drivers at mga motorista ang masasabing hindi gaanong maalam pagdating sa mga traffic lights at iba pang batas-trapiko.

Aniya, nasilayan niya ang problemang ito dahil sa araw-araw ay ang magulong daloy ng trapiko ang bumubulaga sa kaniya.

“…naobserbahan abi nakon adlaw-adlaw, agahon, hapon, nakita abi naton nga abu-abong motorista nga violators sa trapiko”, saad ni Marte.

Iminumungkahi din nito na ang kailangan para masolusyunan ang naturang problema ay ang sumailalaim sa seminar ang mga traffic enforcer upang mas maintindihan nila ang batas trapiko na kanilang dapat ipatupad.

Dagdag pa ng opisyal na kailangang mapag-usapan ito sa hanay ng Local Traffic Management Division ng Kalibo dahil na-obserbahan nito aniya na may mga traffic enforcer na minsan ay nagkukumpulan at nagku-kuwentuhan lamang.

“…may una abi nga mga traffic enforcer naton nga KAP, mga ap-at nga bilog sanda. Idto eat-a sanda sa kanto ag mag-inistorya”, pahayag ni punong barangay.

Kaugnay nito, nilinaw ni Marte na hindi niya nilalahat ang mga traffic enforcer dahil mayroon naman umanong matitino at ginagawa ng maayos ang kanilang trabaho.

“Pero bukon man it tanan nga KAP, may una mat-a nga KAP nga matino mat-a ag naga-ubra gid-a sa andang trabaho”, dagdag pa ng opisyal.