Aklan News
Trailer truck, sumalpok sa batchoyan sa Tamalagon, Tangalan


SINUNGAY ng isang trailer truck ang isang batchoyan sa bahagi ng Tamalagon, Tangalan, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nitong Huwebes, Hunyo 19.
Sa impormasyon, tinatahak ng truck ang direksiyon papuntang Caticlan sa bayan ng Malay.
Dahil sa umano’y madulas na daan sa lugar dulot ng pag-ulan, nawalan ng kontrol ang drayber na naging sanhi ng aksidente.
Binalikan naman ito ng isang pang truck na kasamahan nito.
Samantala, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang Radyo Todo News Team sa mga otoridad para sa karagdagang detalye.| Ulat ni Arvin Rompe
Continue Reading