Connect with us

Aklan News

Trak na may kargang 2 tonelada na abaca fiber, dumausdos pababa ng Aklan river

Published

on

Nalubog sa tubig ang isang truck na may kargang abaca fiber matapos na mahulog sa Aklan river na sakop ng Pob. Libacao nitong hapon ng Martes.

Napag-alaman na may karga itong halos 2 tonelada ng abaca fiber na mula pa sa Brgy. Dalagsaan.

Sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, habang nakaparada umano ang truck para kargahan ay bigla umano itong umatras papuntang ilog dahilan para lumubog ito sa tubig.

Samantala, matagumpay namang naiahon ang mga naikargang abaca fiber gayundin ang truck sa tulong ng mga residente at backhoe.