Connect with us

Aklan News

Trak na may kargang T-shirt, tumagilid sa kalsada sa Lezo

Published

on

TUMAGILID sa kalsada ang isang wing van na may kargang mga t-shirt sa bahagi ng Diversion Road Carugdog, Lezo, Aklan nitong Biyernes.

Ayon sa driver nito, nawalan umano siya ng kontrol sa pagmamaneho dahilan ng aksidente.
Aniya pa, hindi rin mabilis ang kanyang takbo at sadyang na miscontrol lamang siya sa pagmamaneho.
Mula sa Iloilo ang nasabing trak at papunta sanang Caticlan upang i-deliver ang mga kargang T-shirt sa isla ng Boracay.
Mabuti na lamang at hindi nasugatan ang driver ng trak at isa pa nitong kasama.

Samantala, kaagad rin naitayo ang naturang wing van sa pamamagitan ng backhoe.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lezo PNP sa nangyaring aksidente.|SMV (with reports from Kiervy Revesencio)