Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL BINANGGA NG KOTSE, ISA PATAY

Published

on

Kalibo Aklan- Patay ang isang lola matapos tumilapon sa kanyang sinasakyang traysikel nang mabangga ng kotse alas 6 kaninang umaga sa may crossing Banga sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa imbestigasyon ng kapulisan sakay ng traysikel ang mag-asawang Elpidio Tenazas, 70 at Luz Mary Tenazas, 72 anyos at residente ng Tigayon Kalibo na menamaneho ni Gilbert Mationg.

Habang binabaybay nito ang kalsada papuntang Toting Reyes St. at pagdating sa nasabing lugar binangga ito ng Toyota Wigo na menamaneho ni Jasper Jurilla ng Quezon Ave. Extension, Kalibo.

Dahil sa malakas na pagka bangga sa nasabing traysikel tumilapon ang biktimang si Luz Mary at nagtamo ng matinding pinsala sa kanyang katawan at ulo.

Agad na dinala sa Provincial Hospital ang mga sakay ng trysikel ngunit binawian ng buhay ang Lola samantala nagtamo rin ng galos sa kanyang katawan ang kanyang asawa at driver.

Dinala naman sa Kalibo Municipal Station ang drayber ng kotse para sa karagdagang imbestigasyon.