Connect with us

Aklan News

Traysikel drayber tiklo sa buy bust ops sa bayan ng Banga

Published

on

TIKLO sa isinagawang buy bust operation ng Banga PNP ang isang traysikel drayber matapos mahulihan ng iligal na droga sa Cupang, Banga.

Kinilala ang suspek na si Ruel Ibanez, 42-anyos na residente ng nasabing lugar.

Nakuhaan sa Ibanez ng 1 sachet ng shabu kapalit ng 1,500 na buy bust money.

Samantala sa isinagawang body search, nakuhaan pa ito ng 2 sachet ng shabu.

Sa panayam ng radyo todo kay PCapt.Benny Jones Mendoza, COP ng Banga PNP, noong Disyembre 2023 pa nila minamanmanan ang suspek at nitong Hulyo 3 2024 ay tuluyan itong nahuli.

Giit naman ng suspek na hindi sa kaniya ang mga nakuhang shabu at siniksik lamang ito sa kaniyang bag.

Inamin naman ni Ibanez na gumagamit siya ng ilegal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Banga PNP ang suspek na si Ibanez at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.