Aklan News
Traysikel driver na naghihintay ng pasahero, napagtripan pinana sa leeg
Nagsumbong sa kapulisan ang isang 20 anyos na lalaki matapos na tirahin ng ‘indian pana’ sa Purok 2, C. Laserna St, Poblacion, Kalibo partikular sa may harap ng Thumbelina Book Store nitong Linggo, Mayo 7 ng gabi.
Ang biktima ay kinilalang si Christian Tugna ng Brgy. Briones, Kalibo.
Batay sa ulat, naghihintay ng pasahero ang biktima habang nakikipag-usap sa kanyang pamangkin nang tirahin ito ng improvised pana ng suspek na nakaangkas sa motor.
Tinamaan sa leeg ang biktima kaya minabuti nitong magpagamot sa ospital.
Samantala, positibo namang nakilala ng biktima ang suspek na si Gio Cuales, residente ng Purok 6, C. Laserna St., Poblacion, Kalibo.
Ni-refer na ang kaso sa barangay para sa kaukulang disposisyon.
Kaugnay nito, nagbabala si Brgy. Affairs Chief Mark Sy na may kalalagyan ang mga taong nagbibigay perwisyo sa kanilang kapwa lalo na ang mga siga na kasali sa mga gang.