Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL DRIVER, SINAKSAK NG LASING

Published

on

Sugatan ang isang traysikel driver matapos saksakin ng lasing pasado alas-12:00 kaninang tanghali sa Sitio Centro, Guinbaliwan, New Washington.

Nakilala ang biktimang si Benjie Cipriano, 41-anyos, habang nakilala naman ang suspek na si Joel Macabate, 58-anyos, kapwa residente ng nasabing lugar.

Base sa inisyal na imbistigasyon ng pulis, nakahiga noon sa duyan sa labas ng bahay ang biktima, nang dumating ang suspek na lango sa alak, at biglang sinaksak ang biktima.

Kaagad dinala sa pribadong ospital ang biktima habang arestado naman ang suspek na nasa kustodiya ngayon ng New Washington PNP matapos unang madakip ng mga barangay tanod.

Continue Reading