Connect with us

Aklan News

3 sakay ng tricycle pat*y matapos araruhin ng fuel tanker sa Ochando, New Washington

Published

on

‎Pat*y ang driver ng tricycle at dalawang sakay nito matapos na araruhin ng isang fuel tanker sa bahagi ng Ochando, New Washington nitong umaga ng Lunes, Mayo 19.
Idineklarang dead-on-arrival sa Aklan Provincial Hospital ang dalawang sakay na sina Dr. Beonify Opinion, 58-anyos, isang faculty member ng ASU-New Washington, at si Donny Peralta, 50-anyos na residente naman ng Dumaguit, New Washington.
Samantala, nasawi rin habang ginagamot sa isang pribadong ospital ang mismong driver ng tricycle na si Wilson Algarne, 23-anyos, na residente rin ng nasabing lugar.
‎Si Algarne ay nagtamo ng mga tama sa ulo at idineklarang pat*y bandang alas-8:52 nitong umaga.
‎Kasalukuyan namang ginagamot sa Provincial Hospital ang apat pang mga sakay ng tricycle.
‎Ang mga biktima ay dinala sa ospital ng mga rumespondeng MDRRMO, PDRRMO, BFP, at PNP.
‎Samantala, nasa kustodiya naman ng New Washington Municipal Police Station ang drayber ng Fuel Tanker na si Ramil Fernandez, 37-anyos at residente ng Minglanilla, Cebu para sa karampatang disposisyon. l Ulat ni Arvin Rompe