Aklan News
TRAYSIKEL NA MINANANEHO NG LASING, SUMALPOK SA SIGNAGE, DRIVER SUGATAN
Kalibo – Sugatan ang isang rider ng traysikel matapos aksidenteng sumalpok sa signage sa gilid ng kalsada mag-aalas 12:00 kaninang hatingggabi sa bahagi ng Jaime Cardinal Sn., Avenue, Pook, Kalibo.
Nakilala ang biktimang si Gabriel Horitzana, 22 anyos ng Puis, New Washington.
Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, galing sa New Washington ang lasing na biktima habang nagmamaneho ng traysikel papuntang Kalibo.
Subalit sinasabing napunta umano ito sa kabilang linya, at bumangga sa signage malapit sa isang out post.
Sa lakas ng pagkakabangga, bumaliktad ang traysikel habang nagkalat ang mga nabasag na bahagi ng windshield at nayupi ang bubong maging ang unahan ng side car nito.
Kaagad namang dinala sa ospital ang biktima, sanhi ng pinsalang tinamo nito sa katawan.
Samantala, bago nito, nabatid na may motorista pa umanong muntik mabangga ng traysikel, dahil sa bilis umanong pagpapatakbo ng nasabing driver.