Aklan News
TRAYSIKEL NASAGI NG MOTOR, 3 SUGATAN
Altavas – Tatlo ang sugatan matapos masagi ng motorsiklo ang isang traysikel alas 9:40 kaninang umaga sa national highway ng Man-up, Altavas.
Nakilala ang mga nasugatang sina Edgar Cabison, 50 anyos, driver ng traysikel, at anak nitong angkas na si Edu Cabison, 26 anyos, kapwa residente ng Nasunugan, Dao, Capiz, habang nakilala naman ang driver ng motorsiklo na si Christopher David, 14 anyos ng naunang nabanggit na lugar.
Base sa imbestigasyon ng Altavas PNP, papunta sa direksyon ng Altavas proper ang mag-ama nang masagi umano ng sumisibad na motorsiklo ang kaliwang paa ng driver, rason na nawalan ito ng kontrol sa manibela ng traysikel.
Resulta, sumemplang sa kalsada ang motorsiklo na ikinasugat ng binatilyong driver, habang tumagilid naman sa damuhan ang traysikel rason naman na nagtamo ng minor injury ang biktimang Cabison.
Kasunod nito, kaagad silang isinugod sa Altavas Hospital matapos ang insidente.