Connect with us

Aklan News

Traysikel, sinalpok ng humaharurot na topdown sa Archbishop Reyes St. corner Acevedo St.

Published

on

Kapwa dinala sa ospital ang drayber ng traysikel at topdown na nagbanggaan kahapon sa may Archbishop Reyes St. corner Acevedo Street, Poblacion, Kalibo.

Kinilala ang traysikel drayber na si Esmeraldo Rivera Jr, 52 anyos, residente ng Ibao, Lezo na bumibiyahe sa Kalibo.

Samantala, kinilala naman ang drayber ng topdown na si Gerwin Devera, 24, ng Tinigao, Kalibo.

Kuhang-kuha sa CCTV ang pagsalpok ng humaharurot na top down sa traysikel na mula sa direksyon ng Archbishop Reyes St.

Sa lakas ng pagkakabangga, kapwa nagtamo ng mga pinsala sa katawan ang mga biktima pati na ang kanilang mga minamanehong traysikel at topdown.