Aklan News
Tree Planting Activity, isinagawa ng 33rd CMO Coy, kasabay ng selebrasyon ng National Women’s Month
Makabuluhang selebrasyon ang isinagawa ng 33rd Civil Military Operation Company, Philippine Army may kaugnayan sa selebrasyon ng National Women’s Month ngayong taon sa Brgy. Cawayan, New Washington, Aklan.
Sa isinagawang tree planting activity, 180 seedlings na mga fruit bearing trees ang naitanim sa bisinidad ng Cawayan Elementary School ng 33rd (CMO) sa pangunguna ni CO 2LT. Ryan Bastan, kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), LGUs, Cawayan Brgy. Council, New Washington PNP, DepEd, Cawayan Vendors Bayanihan Association (CaVBA), private organizations at mga estudyante ng nasabing paaralan.
Ayon kay 2LT. Bastan, dalawang araw ito na aktibidad na susundan bukas, Marso 10, 2023 sa Nalook Elementary School sa bayan ng Kalibo.
Layunin umano nito na madagdagan ang kaalaman ng mga estudyante at mga tao sa komunidad sa kahalagahan ng pag-aalaga ng ating kalikasan.
Ang ganitong mga aktibidad ay isa lamang sa mga adbokasiya ng 33rd CMO Coy, hind lamang sa mga tao sa komunidad kundi maging sa pangangalaga ng kalikasan.