Connect with us

Aklan News

Tricycle driver, hinampas ng tubo matapos makipagtalo sa isang motorista sa kalsada

Published

on

HINAMPAS ng tubo sa ulo ang isang traysikel driver ng nakasagutan nitong motorista sa kalsada sa bahagi ng Brgy. Bacan, Banga nitong Linggo.

Ang biktima ay isang 69-anyos at residente ng Mangan, Banga habang ang nasabing motorista habang 43-anyos na residente naman ng Poblacion, Banga ang motorista.

Batay sa imbestigasyon ng Banga PNP, umiwas umano sa isang lubak sa kalsada ang naturang tricycle driver nang muntikan nitong makasalpukan ang nasabing motorista.

Hindi umano nagkaintindihan ang dalawa dahilan ng kanilang pagtatalo.

Sinasabing, sa gitna ng kanilang sagutan ay kumuha ng tubo ang tricycle driver ngunit naagaw ito ng motorista at hinampas sa kaniyang ulo.

Mabilis namang isinugod sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya pa rin ngayon ng Banga PNP ang naturang motorista.