Connect with us

Aklan News

Tricycle driver na lasing, sumalpok sa poste ng streetlight

Published

on

Galos sa katawan ang natamo ng isang tricycle driver matapos itong sumalpok sa poste ng street light sa Magdalena Village, Brgy. New Buswang, Kalibo.

Napag-alaman na residente ng Bougainvillea St. Brgy. Andagao, Kalibo ang tricycle driver na nasa impluwensya ng nakalalasing na alak.

Batay sa imbestigasyon ng Kalibo Pnp, mula sa direksyon ng Andagao ang biktima at papunta sa New Buswang ngunit pagdating sa nasabing lugar ay dumeretso ito sa kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa poste ng street light.

Dahil dito, nagtamo ng ilang galos sa katawan ang tricycle driver na agad ding dinala ng Mdrrmo Kalibo sa ospital para sa kaukulang pagpapagamot.